Saturday, September 13, 2008

Competition [post #86]

After my exam in Biology, I went home immediately. Habang nasa 2nd jeepney ako, narinig ko ang usapan ng mga students with their "kuya" (they keep calling him kuya).

Girl: Kuya, alam niyo ba, si Jennifer, sinabi sa kabilang team na ang cheerdance natin may sayaw (heller, cheerdance nga eh). Sinabi niya din ano costume natin at kung magkano. Nakakainis.
Kuya: Ah ganoon ba? Ginaya ba ng kabilang team ang sayaw natin?
Girl: Hindi! Pero siyempre, gagayahin na nila yun, di ba.
Kuya: (umiiling at nakangiti)
Girl: Dapat paalisin na sa grupo yang Jennifer na yan!
Other classmates: OO NGA!

Ok, I can't help but smile. Pero tumalikod ako sa kanila. And I know the reason why their "kuya" smiled.

The girl was making a big deal out of their cheerdance. As if it means the world to her. Napangiti ako kasi naisip ko yung times na high school pa ako. Back when I was still that girl. Nung ganoon pa ang takbo ng isip ko. Nung big deal na sa akin ang trivial things like that.

Napangiti ako kasi nahihiya ako sa sarili ko. Hahaha. Ganito pala ang feeling ng nakakarinig sa akin noon. Ganito pala ang pakiramdam. Nakakatuwa pala ako noon pakinggan.

Napangiti ako dahil narealize ko how much I've changed since high school. I can say that I matured. Dati, trivial things, hindi na ako mapakali. Ngayon, trivial things, nagpapasalamat ako dahil trivial lang. Mas madaming kailangang isipin, problemahin.

Dati, panggagaya ng kabilang grupo sa cheerdance namin, pinoproblema ko na. Ngayon, ang exams ko ang pinoproblema ko (I hope you get the idea).

On the other hand, napangiti ako dahil naalala ko how competitive I am when I was still in high school (even in elementary). I always "reach for the stars". I always want to be on top (which is, not a bad thing because healthy competition naman to improve myself ang ginagawa ko noon). And hindi ko lang basta gusto, ginagawa ko ang lahat para makuha ko gusto ko.

But when I entered college? The drive to compete died. Hindi lang naman sa ibang tao ang competition pwede mangyari. Pwede din yun mangyari sa sarili. My drive to prove something to myself died. Nawalan ako ng gana sa lahat. Pagkatapos, nung nangyari pa ang mga nangyari, lalo pang nag-add sa pagkamatay ng competitive attitude ko yung mga pangyayari.

Sa loob ng halos 15mins na nasa 2nd jeepney ako, naisip ko lahat ito. Bigla kong naisip ang lahat nang ito. Wala na ito sa isip ko dati. Binabalewala ko. Ngayon ko lang ulit ito na-entertain (yan minsan ang gusto ko 'pag nag-iisa ako. nakakapag-isip ako).

Competition is not bad. Just make it healthy. And if you fail, don't be sad. At least you know you tried to do your best because you competed. Failing will just give you the reason to try to do your best. As in BEST.

Maybe competition is the word that I've been lacking these past few years. Competition with myself.

Will it change things? I don't know.

Maybe. Maybe not.

Bahala na si God.

Let His will be done. Alam Niya naman ginagawa Niya.

** Pasensya na. My thoughts are scattered while writing this entry. Hinayaan ko lang magtype ang mga daliri ko. Blinog ko lang ito just for the sake of sharing what I think. Wala lang. So sorry kung may mga maling grammar. Nagmamadali na ako. Hahaha. Ang dami kasing thoughts na gusto ko i-type kaya nagmamadali ako. Hindi ko na rin chineck itong entry na ito kaya kung may typo man, bear with me. Hehehe. **

0 comments: